Acceleration button, idiniin para sa diplomasya ng Tsina – Qin Gang

2023-03-07 14:35:52  CMG
Share with:

Sa isang preskon Martes, Marso 7, 2023, sinabi ni Ministrong Panlabas Qin Gang ng Tsina na idiniin na ang acceleration button para sa diplomasya ng bansa.

 

Aniya, susundin ng bansa ang head-of-state diplomacy, at igagarantiya ang tagumpay ng pagtataguyod ng dalawang pangunahing pangyayaring diplomatiko na kinabibilangan ng kauna-unahang China-Central Asia Summit at Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation, para ipakita ang katangi-tanging diplomasya ng Tsina.

 

Mariing tinututulan ng Tsina ang anumang porma ng hegemonismo at power politics, matinding tintututulan ang kaisipan ng Cold War, camp-based confrontation, at mga kilos ng paninikil sa pag-unlad ng ibang bansa, at buong tatag na ipagtanggol ang soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, dagdag ni Qin.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil