Sa kanyang ulat ng gawain sa ikalawang plenaryo ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresyong Bayan (NPC) ng Tsina, Marso 7, 2023, ipinahayag ni Zhang Jun, Prokurador-heneral ng Supreme People's Procuratorate ng Tsina, na nitong nakaraang 5 taon, epektibong nasawata ang mararahas na krimen, at mga krimeng may kinalaman sa baril, pasabog at droga.
Si Zhang Jun, Prokurador-heneral ng Supreme People's Procuratorate ng Tsina / Xinuha
Aniya, 814,000 katao ang nilitis kaugnay ng nabanggit na mga krimen sa nasabing panahon – 31.7% mas mababa kaysa naunang limang taon.
Patuloy na tumataas ang paggamit ng Tsina sa public interest litigation para pangalagaan ang likas na kapaligiran, dagdag niya.
Nitong nakaraang 5 taon, 395,000 public interest lawsuit tungkol sa proteksyon ng ekolohiya at likas-yaman ang pinangasiwaan ng prokuratoryal na awtoridad ng Tsina.
Ani Zhang, ito ay katumbas ng 12.5% taunang karaniwang pagtaas.
Aniya pa, lubos na gagamitin ng mga prokuratoryal na awtoridad ng Tsina ang alituntunin ng batas para pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad sa taong 2023.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio