Ginanap Martes, Marso 7, 2023 ang plenaryo ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) o punong lehislatura ng Tsina, para dinggin ang mga work report ng Pirmihang Lupon ng Ika-13 NPC, Supreme People's Court (SPC), at Supreme People's Procuratorate (SPP).
Bukod diyan, dininig din sa pulong ang paliwanag hinggil sa plano sa reporma ng mga institusyon ng Konseho ng Estado.
Dumalo sa plenaryo ang mga lider ng bansa na kinabibilangan ni Pangulong Xi Jinping.
Inihayag naman si Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Ika-13 NPC, ang ulat hinggil sa mga gawain ng pirmihang lupong kanyang pinamumunuan.
Magkahiwalay ring inihayag nina Chief Justice Zhou Qiang at Procurator-general Zhang Jun ang mga work report ng SPC at SPP.
Samantala, ipinaliwanag ni Xiao Jie, Kasangguni ng Estado at Pangkalahatang Kalihim ng Konseho ng Estado ang plano sa pagrereporma ng mga institusyon ng Konseho ng Estado.
Salin: Vera
Pulido: Rhio