Sa preskon sa sidelines ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina Martes, Marso 7, 2022, sinabi ni Ministrong Panlabas Qin Gang ng Tsina na idiniin na ang acceleration button para sa diplomasya ng bansa.
Aniya, susundin ng bansa ang head-of-state diplomacy, at igagarantiya ang tagumpay ng pagtataguyod ng dalawang pangunahing pangyayaring diplomatiko na kinabibilangan ng kauna-unahang China-Central Asia Summit at Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation, para ipakita ang katangi-tanging diplomasya ng Tsina.
Mariing tinututulan ng Tsina ang anumang porma ng hegemonismo at power politics, matinding tintututulan ang kaisipan ng Cold War, camp-based confrontation, at mga kilos ng paninikil sa pag-unlad ng ibang bansa, at buong tatag na ipagtanggol ang soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, dagdag ni Qin.
Aniya, ipinagkakaloob ng modernisasyong Tsino ang kalutasan para sa maraming hamon na kinakaharap ng pag-unlad ng sangkatauhan.
Ang pagtatayo ng modernisasyon ng isang bansa na mayroong mahigit 1.4 bilyong populasyon ay dakilang gawain na wala dati sa kasaysayan ng buong sangkatauhan, at mayroong itong sariling malalim at mahalagang katuturang pandaigdig, saad ni Qin.
Sinabi niya na: “Binago nito ang mito na ang modernisasyon ay kanluraninsasyon. Lumikha ito ng bagong porma ng pag-unlad ng sangkatauhan, at ipinagkaloob nito ang mahalagang pinagmumulan ng inspirasyon para sa buong mundo, partikular na, para sa mga umuunlad na bansa.”
At saka, hindi isasakatuparan ang modernisasyong Tsino sa pamamagitan ng digmaan, kolonisasyon, o pandarambong. Nagpopokus ito ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon, at mutuwal na kapakinabangan. Ipinangako din nito ang harmoniya sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan, saad ni Qin.
Kaugnay ng isyu ng Taiwan, sinabi ni Qin na paano reresolbahin ang isyu ng Taiwan ay suliranin ng mga mamamayang Tsino, at walang karapatang makialam dito ang anumang bansang banyaga.
Buong sikap na isasakatuparan ng bansa ang mapayapang reunipikasyon, sa pamamagitan ng pinakamalaking katapatan, samantalang pananatilihin ang pagpili ng lahat ng kinakailangang hakbangin para rito, dagdag ni Qin.
Diin niya, ang isyu ng Taiwan ay pinakapusod ng nukleong interes ng Tsina, bedrock ng pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano, at unang redline na hindi dapat lampasin sa relasyong Sino-Amerikano.
May di-matatalikdang responsibilidad ang Amerika sa paghantong ng isyu ng Taiwan.
Hinimok ni Qin ang panig Amerikano na itigil ang paninikil sa Tsina, gamit ang isyu ng Taiwan, at bumalik sa pundamental na kahulugan ng prinsipyong isang Tsina.