Ikalawang pulong ng unang sesyon ng Ika-14 na NPC, idinaos

2023-03-09 16:21:44  CMG
Share with:


Si Zhao Leji, Tagapangulong Tagapagpaganap ng presidium (Xinhua/Ju Peng)

 

Idinaos Marso 8, 2023, ang ikalawang pulong ng presidum ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.


Isinumite ng pulong ang mga dokumento sa lahat ng delegasyon para sa deliberasyon, na kinabibilangan ng panukalang resolusyon sa ulat ng gawain ng pamahalaan, implementasyon ng planong pang-ekonomiya at panlipunang pag-unlad noong 2022 at plano para sa 2023, implementasyon ng sentral at lokal na badyet noong 2022 at badyet para sa 2023, at panukalang kapasiyahan ng rebisyon sa Legislation Law.


Maliban diyan, isinumite rin ang panukala kaugnay sa paraan ng eleksyon at paghirang sa lahat ng delegasyon para sa deliberasyon.


Ang pulong ay pinanguluhan ni Zhao Leji, Tagapangulong Tagapagpaganap ng presidium.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio