Sosyalistang legal na sistemang may katangiang Tsino, pinasulong ng NPC

2023-03-08 17:52:50  CMG
Share with:

Sa kanyang ulat ng gawain na binigkas Marso 7, 2023, sa unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Ika-13 NPC, na pinasulong ng Ika-13 NPC ang sosyalistang legal na sistemang may katangiang Tsino, gumawa ng maiinam na batas upang pasulungin ang pag-unlad, at iginarantiya ang mabuting pamamahala.

 

Si Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Ika-13 NPC / Xinhua


Aniya, pinaunlad ng pirmihang lupon ng NPC ang mga gawaing lehislatibo para palakasin ang de-kalidad na pag-unlad.

 

Itinakda rin aniya ang serye ng mga batas para suportahan ang pagbubukas sa mataas na lebel at pabilisin ang pagbangon ng kanayunan.

 

Dapat pabilisin ang lehislasyong may kinalaman sa pambansang seguridad para gawing priyoridad ang pangangalaga sa pambansang seguridad, kasabay ng pagtatayo ng sistemang pambatas para sa pangangalaga sa kapaligiran, upang mapasulong ang kaunlarang ekolohikal, saad ni Li.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio