Ang mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) na kasalukuyang ginaganap sa Beijing ay mahalagang bintana para sa pag-uunawa ng daigdig ng Buong-prosesong Demokrasyang Bayan ng Tsina.
Sa dalawang sesyon sa kasalukuyang taon, muling isinumite ang panukalang sinusugang Batas sa Lehislasyon para sa pagsusuri ng NPC, punong lehislatura ng bansa.
Sa nasabing panukalang sinusugang batas, dinaragdagan ang nilalaman hinggil sa paggigiit at pagpapaunlad ng Buong-prosesong Demokrasyang Bayan, upang mapalakas ang garantiyang pambatas sa ganitong uri ng demokrasya.
Ang Buong-prosesong Demokrasyang Bayan ay esensya ng sosyalistang demokratikong pulitika. Pinag-iisa ng ganitong modelo ng demokrasya ang demokrasyang elektoral at demokrasyang konsultatibo, para pakinggan ang tinig at mithiin ng mga mamamayan sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay na pulitikal at panlipunan ng bansa.
Ibig sabihin, pinakamalawak, pinakatunay at pinakamabisa ang ganitong modelo ng demokrasya.
Ayon sa poll ng autorisadong organong pandaigdig, nitong nakalipas na ilang taon, nananatiling 90% pataas ang satisfaction rating ng mga mamamayang Tsino sa pamahalaan, at ito ang pinakatotoong pagpapakita ng malakas na kasiglahan ng demokrasya ng Tsina.
Ipinalalagay ng tagalabas na ang ugat ng pagiging mabisa ng Buong-prosesong Demokrasyang Bayan ay dahil umaangkop ito sa aktuwal na kalagayan ng Tsina, at maaari nitong pagtipun-tipunin ang komong palagay, at ibunsod ang de-kalidad na pangangasiwa, sa gayo’y nagiging tulay sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan ang demokrasya.
Ang pagpapaunlad ng Buong-prosesong Demokrasyang Bayan ay pundamental na kahilingan ng landas na Tsino tungo sa modernisasyon.
Sa hinaharap, kasabay ng pagsulong ng landas na Tsino tungo sa modernisasyon, magiging mas malawak ang landas ng Buong-prosesong Demokrasyang Bayan, at lilikha ito ng mas maraming benepisyo sa mas maraming mamamayan sa daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Ramil