Sesyon ng CPPCC, ipininid

2023-03-11 16:43:16  CMG
Share with:

Ipininid ngayong hapon, Marso 11, 2023, sa Beijing, ang unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), kataas-taasang organong tagapayong pampulitika ng Tsina.

 

Dumalo sa sesyon ng pagpipinid si Xi Jinping at iba pang mga lider ng Tsina.

 

Nagtalumpati sa sesyon si Wang Huning, Tagapangulo ng Ika-14 na Pambansang Komite ng CPPCC.

 

Pinagtibay sa sesyon ang resolusyon tungkol sa ulat sa mga gawain ng Pirmihang Lupon ng Ika-13 Pambansang Komite ng CPPCC, resolusyon tungkol sa ulat sa mga gawain kaugnay ng mga proposal galing sa mga tagapayong pulitikal, resolusyon tungkol sa rebisadong Karta ng CPPCC, ulat tungkol sa pagsusuri sa mga bagong proposal, at pulitikal na resolusyon ng nabanggit na sesyon.


Editor: Liu Kai