Malaking pansin ang itinutuon sa kasalukuyan ng komunidad ng daigdig sa mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) na ginaganap sa Beijing.
Ayon sa mga personaheng pandaigdig, ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay makakapagbigay ng ambag sa kasaganaan ng rehiyon at pagbangon ng kabuhayan ng mundo.
Sinabi ni Solomon Lechesa Tsenoli, Pangalawang Ispiker ng Pambansang Asambleya ng Timog Aprika, na bilang isang malaking bansa, matagumpay na napawi ng Tsina ang ganap na kahirapan, at nagsilbi itong magandang halimbawa para sa buong daigdig hinggil sa pangangasiwa sa bansa.
Aniya, tutularan ng mga partido at pamahalaan ng ibang mga bansa ang paraan ng Tsina sa pagsasakatuparan ng ganitong tagumpay.
Salin: Vera
Pulido: Rhio