Sa preskon matapos ipinid ang unang sesyon ng ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ngayong umaga, Marso 13, 2023, sinabi ni Li Qiang, bagong Premiyer ng Tsina, na ang layon ng lahat ng mga gawain ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang Tsino ay pagdudulot ng benepisyo para sa mga mamamayan.
Aniya, magsisikap ang bagong pamahalaan, kasama ng mga mamamayan, para makatotohanang ipatupad ang blueprint ng pag-unlad.
Kaugnay naman ng isyu ng pribadong ekonomiya, ipinahayag ni Li na tiyak na magiging mas mabuti ang kapaligiran ng pag-unlad ng pribadong ekonomiya ng Tsina, at magiging mas malawak ang espasyo ng pag-unlad nito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio