Amerika, siyang nagkakaloob ng mga sandata sa battlefields ng Ukraine – tagapagsalitang Tsino

2023-03-21 15:33:06  CMG
Share with:


Kaugnay ng pananalita ng tauhan ng pamahalaang Amerikano hinggil sa Tsina, ipinagdiinan Lunes, Marso 20, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Amerika, sa halip ng Tsina, ay siyang nagkakaloob ng mga sandata sa mga pook ng digmaan sa Ukraine.

 

Aniya, dapat itigil ng panig Amerikano ang pagpukaw ng labanan at pagkakaloob ng mga sandata, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa pulitikal na pagresolba sa krisis ng Ukraine.

 

Saad ni Wang, palagiang iginigiit ng panig Tsino ang obdyektibo’t makatarungang paninindigan sa isyu ng Ukraine, at ang lahat ng ginawa ng Tsina ay upang mapasulong ang kapayapaan at talastasan.

 

Patuloy na gagampanan ng Tsina ang konstruktibong papel para sa pulitikal na paglutas sa krisis ng Ukraine, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil