Turista sa Summer Palace, dagsa: atmospera ng Tagsibol, damang-dama

2023-03-21 14:38:49  CMG
Share with:


Alinsunod sa Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, pumasok Marso 21, 2023 ang ika-4 sa 24 na solar term, at ito ay tinatawag na Chun Fen o Spring Equinox. Tatagal ito hanggang Abril 4.

 

Kaugnay nito, damang-dama sa iba’t-ibang lugar ng Tsina ang atmospera ng Tagsibol.

 

Sa Yiheyuan o Palasyo ng Tag-init, Summer Palace sa wikang Ingles, namumukadkad ang samu’t-saring bulaklak gaya ng mala-rosas na bulaklak ng milokoton, puting bulaklak ng magnolia, at dilaw na winter jasmine.

 

Dahil sa maginhawang panahon at magandang tanawin, maraming turista ang nagpupunta rito para mamasyal, kumuha ng mga litrato, at mag-enjoy ng Tagsibol.

 

Video/Script: Kulas

Pulido: Rhio/ Jade