Bulakak ng milokoton sa Olympic Forest Park, mayabong na namumukadkad

2023-03-23 16:55:43  CMG
Share with:


Bilang isa sa mga bulaklak na maagang namumukadkad sa Tagsibol, taglay na kagandahan, at samu’t saring uri, ang bulaklak ng milokoton ay kinagigiliwan ng mga tao sa Tsina.

 

Buwan ng Marso ang pinakamainam na panahon para pagmasdan ang mga bulaklak na ito sa Beijing, kabisera ng Tsina.

 

Kamakalian, naging isang “internet-famous site” ang scenic spot na Peach Blossom Valley sa loob ng Olympic Forest Park sa Chaoyang District, Beijing.

 

Makikita rito ang malawak na kagubatan ng kulay-rosas at puting bulaklak ng milokoton sa tabing-ilog.

 

Dahil sa mga bulaklak at kaakit-akit na tanawin sa paligid, maraming turista ang pumaparito upang kumuha ng mga litrato.



Video/Script: Kulas

Pulido: Rhio/ Jade