Ayon sa sarbey na ginawa kamakailan ng CGTN Think Tank sa 21 bansa ng daigdig, binigyan ng mataas na pagtasa ng 88.1% respondente ang natamong mga bunga ng Tsina sa tatlong taong paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
71.6% ng mga respondente ay positibo sa mainam na pagsasaayos ng Tsina ng mga hakbangin tungo sa pandemiya, at mabisang pagkokoordina ng paglaban sa pandemiya at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.
Samantala, 85.2% ng mga respondente ay nagpahayag ng paghanga sa mga ambag ng Tsina sa pandaigdigang paglaban sa pandemiya, na gaya ng pagkakaloob ng mga bakuna at kagamitang medikal, at pagbabahagi ng karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Editor: Liu Kai