Sarbey ng CGTN: 88.1% ng respondiyente, kinilala ang pagsisikap ng Tsina sa pagkontrol sa COVID-19

2023-01-26 14:45:04  CMG
Share with:


Ayon sa sarbey na isinagawang Think Tank ng China Global Television Network (CGTN) at Institutong Tsina ng Opinyong Publiko ng Renmin University of China (RUC), 88.1% ng mga respondiyente mula sa 21 bansa ang kumikilala sa pagsisikap ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) nitong nakalipas na tatlong taon.


Kabilang sa nasabing 21 bansa ay Estados Unidos, Britanya, Pransya, Alemanya, Italya at iba pa.


 


Mga hakbangin ng pagkontrol sa pandemiya


Sapul nang sumiklab ang pandemiya, pina-iiral ng Tsina ang prinsipyong pagpapauna sa kapakanan at buhay ng mga mamamayan.” 

 

Dahil dito, inilunsad ng bansa ang pinakamalaking kampanya ng pagbabakuna sa daigdig.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 6.63 milyon ang namatay sa daigdig dahil sa COVID-19, pero ang bilang ng malulubhang kaso at bahagdan ng mortalidad sa Tsina ay nananatiling mababa.

 

Ayon pa sa nabanggit na sarbey, kinikilala ng 71.6% ng mga respondiyente na mainam ang dinamikong pag-aakma sa mga polisya ng Tsina bilang tugon sa COVID-19.

 

Hinggil naman sa pagpapababa sa pangangasiwa sa pandemiya mula sa Class A tungo sa Class B, ipinalalagay ng 76.2% ng mga respondiyente na positibo at epektibo ang mga may kinalamang hakbang.

 

Kabilang sa nasabing mga hakbang ang pagbubukas ng mga fever clinic sa abot ng makakaya para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa mga serbisyong medikal, pagpapatas ng bilang ng mga kama sa mga Intensive Care Unit (ICU), at pagtiyak na madadala sa ospital ang mga pasyenteng nasa mahigpit na kalagayan.

 

Paglaki ng kabuhayang Tsino


Nitong tatlong taon, umabot sa 4.5% ang karaniwang taunang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina.

 

Hinggil dito, 86.8% ng mga respondiyente ang positibo sa ginawang pagsisikap ng Tsina para mapagsabay ang mga hakbang sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at pagpapa-unlad ng kabuhayat lipunan.  

 

Pakikipagtulungan ng Tsina sa daigdig


Nitong tatlong taong nakalipas, mahigit 2.2 bilyong dosis ng bakuna ng COVID-19 ang naipagkaloob ng Tsina sa mahigit 120 bansa, rehiyon at pandaigdig na organisasyon.

 

Kasabay nito, napakaraming kasuotang pamprotekta o protective suit, bentilador, maskara, at iba pang mga suplay ang ipinagkaloob din sa 153 bansat 15 organisasyong pandaigdig.

 

Tungkol dito, ipinahayag ng mahigit 85% ng mga respondiyente, na malaking kontribusyon ang ginawa ng Tsina sa pandaigdig na pagtugon sa COVID-19.

 

Batay sa sarbey, 96.6% ng mga respondiyente ang nanawagan sa komunidad ng daigdig na isa-isang-tabi ang pagkiling at magkapit-bisig para harapin ang mga pandaigdig na hamong gaya ng COVID-19.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio