Marso 25, 2023, Sabado, bilang tugon sa pandaigdigang pagbabago ng klima, nakiisa ang Beijing sa pagdiriwang ng Earth Hour 2023.
Isa ang Beijing sa libu-libong siyudad sa buong mundo na nakiisa sa pagdiriwang ng Earth Hour 2023 bilang suporta sa pagprotekta ng mundo.
Paglahok ng Taikoo Li Sanlitun sa Earth Hour 2023
Pinatay ng Taikoo Li, isang shopping center sa Sanlitun, Distrito ng Chaoyang sa Beijing, ang kanilang ilaw mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi (Beijing/Manila time) upang tugunan ang aktibidad ng Earth Hour.
Ang Earth Hour ay isang pandaigdigang aktibidad sa pagtitipid ng enerhiya na inilunsad ng World Wide Fund for Nature (WWF) noong 2007.
Nilalayon nito na tawagan ang lahat ng indibidwal, organisasyon at kumpanya sa buong mundo na ipagdiwang ang huling Sabado ng Marso bawat taon, sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw at mga produktong nakakaubos ng kuryente, mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi, bilang simbolo ng pangako sa planetang mundo.
Para sa taong 2023, ito ang ika-17 taon ng pagdiriwang na may temang Invest in Our Planet, kung saan nakatuon sa pakikipag-ugnayan sa mga pamahalaan, institusyon, negosyo, at higit sa 1 bilyong mamamayan na lumalahok taun-taon sa Earth Day, upang gawin ang kanilang bahagi sa pagprotekta ng planetang mundo.
Bagong flip clock logo ng Earth Hour
Bibigyan ng mas malaking misyon sa taong ito ang lumang flip clock logo na "60+" sa pamamagitan ng pagpapalit nito sa "60" upang higit pang palakasin ang konsepto ng isang oras sa papalapit na layunin sa 2030 United Nations Sustainable Development Goals (UNSDG).
Ang susunod na 7 taon ay napakahalaga dahil batay sa 2030 UNSDG na may kinalaman sa pagbabago ng klima, na kilala rin bilang Goal 13, kailangang limitahan ang pandaigdig na climate warming sa loob ng 1.5°C kumpara sa pre-industrial levels upang maiwasan ang hindi maibabalik na pinsala sa ating planetang mundo, at kailangan baligtarin ang pagkawala ng kalikasan sa 2030.
Nagdudulot ang bagong flip clock logo ng pagtuon sa oras habang binibigyang pansin din ang katotohanan na ang oras ay tumatakbo, binibigyang-diin ang pangangailangan para sa agarang aksyon para sa ating planeta.
Dinadala ng clock imagery ang bagong visual identity na may bagong color palette at kuhang larawang ng pagdiriwang at inuuna ang mga tao.
Masasabing ito ang isang kinabukasan ng natural na pagkakaisa, nagbibigay-diin sa pangangailangan para sa agarang pagkilos ang Earth Hour, upang makamit ang layunin ng natural na pagpapabuti para sa 2030.
Ulat/Larawan: Ramil Santos
Patnugot sa teksto at website: Jade
Pasasalamat: WWF