Premyer Tsino, nakipagtagpo sa mga miyembro ng BFA Board of Directors

2023-03-30 16:38:08  CMG
Share with:

Boao, lalawigang Hainan ng Tsina - Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga Board of Director ng Boao Forum for Asia (BFA), Miyerkules, Marso 29, 2023, tinukoy ni Premyer Li Qiang ng Tsina na lumilitaw sa kasalukuyan ang tunguhin ng matatag na paglago ng kabuhayang Tsino.

 

Sa pamamagitan ng mabisang pagsasagawa ng makro-polisiya sa pagpapatatag ng paglago, hanap-buhay, at presyo ng mga paninda, at malakas na pagpapalalim ng reporma, pagpapalawak ng pagbubukas at pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo, pasusulungin aniya ng Tsina ang bagong progreso ng de-kalidad na pag-unlad.

 


Umaasa aniya siyang igigiit ng BFA ang orihinal na layunin, pasusulungin ang pagpapalitan ng Asya at daigdig, at hahanapin ang “plano ng Boao” sa pagpapalakas ng pangangasiwang pandaigdig at pagpapasulong sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Inihayag naman ng mga Board of Director ng BFA na ang katatagang pulitikal, reporma at pagbubukas ng Tsina ay nakakapagpatingkad ng katiyakan sa daigdig.

 

Handa anila ang iba’t-ibang panig na makipagtulungan sa panig Tsino, upang magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig, at gawing pagkakataon ng pagsasakatuparan ng komong kaunlaran ang mga kawalang-katiyahan sa kalagayang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio