Pagtatatag ng puwerto ng malayang kalakalan na may katangiang Tsino, pabibilisin – Premyer Tsino

2023-03-30 11:44:33  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Hainan Miyerkules, Marso 29, 2023, sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina na dapat igiit ang reporma at pagbubukas, at itatag ang de-kalidad na puwerto ng malayang kalakalan ng Hainan sa mataas na pamantayan.

 


Kailangang pabilisin ang pagtatayo ng puwerto ng malayang kalakalan na may impluwensiyang pandaigdig at katangiang Tsino, dagdag niya.

 

Aniya pa, dapat mabisang gamitin ang artificial intelligence, big data at Internet of Things (IoT), at gawin ang paghahanda para sa island-wide independent customs operation sa katapusan ng 2025.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio