CMG Komentaryo: Umano’y “Summit para sa Demokrasya” na lumikha ng komprontasyon, di-kinakailangan ng daigdig

2023-03-30 15:11:42  CMG
Share with:


Mula Marso 29 hanggang 30, 2023, ginaganap ang Ika-2 “Summit para sa Demokrasya” na itinaguyod ng Amerika.

 

Katulad ng nagdaang summit noong isang taon, hindi nagbago ang esensya ng umano’y “Summit para sa Demokrasya” – inudyukan nito ang bloc politics at camp-based confrontation, at lumikha ng bagong ligalig.

 

Ang pagtataguyod ng ganitong summit ay pagyurak sa diwa ng demokrasya, at ito’y hindi kinakailangan ng daigdig.

 

Ang summit sa kasalukuyang taon ay itinataguyod ng Amerika, kasama ng Costa Rica, Netherlands, Timog Korea at Zambia, para ipakita ang malawakang representasyon.

 

Pero hindi maaaring ikubli ng ganitong pandaraya ang esensya ng summit na “Americentrism.”

 

Sa katunayan, layon ng naturang summit na paghiwalayin ang “demokratiko at di-demokratikong kampo,” batay sa pamantayang Amerikano.

 

Ibig sabihin, ipinagsasanggalang nito ang hegemonya ng Amerika sa ngalan ng demokrasya, at sinisikil ang “bansang tumutunton sa ibang paninindigan.”

 

Ang demokrasya ay komong pagpapahalaga ng buong sangkatauhan, at walang karapatan ang Amerika na imonopolyo ang karapatan sa pagbibigay-liwanag at pagtasa sa demokrasya.

 

Sa kasalukuyan, maligalig ang kalagayang pandaigdig, tumataas ang panganib sa heopulitika, napakahirap ang pagbangon ng kabuhayan, walang humpay na lumalawak ang agwat sa kaunlaran, at tuluy-tuloy na sumasama ang kapaligirang ekolohikal.

 

Kinakailangan ng mga mamamayan ang isang komperensya ng pagkakaisa at pagtutulungan para resolbahin ang mga pandaigdigang krisis, sa halip ng “Summit para sa Demokrasya” na pumupukaw ng komprontasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio