“U.S. Human Rights Abuse Against Refugees and Immigrants: Truth and Facts,” inilabas ng Tsina

2023-03-30 15:17:45  CMG
Share with:

Inilabas ng Tsina ngayong araw, Marso 30, 2023 ang ulat na pinamagatang “U.S. Human Rights Abuse Against Refugees and Immigrants: Truth and Facts.”

 

Inirekord ng ulat ang masasamang kilos ng Amerika sa isyu ng mga refugee at mandarayuhan.

 

Sa pamamagitan ng katotohanan at datos, pinatutunayan ng ulat, na ang Amerika ay hindi "sulo ng demokrasya,” bagkus, ito’y puno ng kasinungalingan at tagapagsulong ng dobleng pamantayan sa isyu ng refugee at mandarayuhan.

 

Anang ulat, di-mabilang ang masasamang kilos ng Amerika sa paglapastangan sa karapatan ng mga mandarayuhan mula sa iba’t-ibang lahi, at hindi nagbabago ang kasalukuyang situwasyon ng paglapastangan nito sa karapatan ng naturang mga mamamayan.

 

Tinukoy pa ng ulat, na ang diskriminasyong panlahi sa Amerika na may matibay na pundasyon ay matinding isyu na kinakaharap ng mga mandarayuhan sa bansa, at ang Amerika ay siyang pangunahing tagapagpasulong ng krisis ng refugee at mandarayuhan sa buong mundo.

 

Diin ng ulat, dapat mataimtim na isaalang-alang at iwasto ng Amerika ang sariling masasamang kilos, totohanang pabutihin ang kondisyon ng mga refugee at mandarayuhan, itigil ang hegemonistikong aksyon, ihinto ang paglikha ng bagong krisis ng mga regufee, at itigl ang paninirang-puri at paninikil sa ibang bansa, sa katuwiran ng karapatang pantao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio