CMG, itinaguyod ang konsiyerto para sa 50-taong relasyong diplomatiko ng Tsina at Espanya

2023-03-31 21:35:29  CMG
Share with:

 

Sa pagtataguyod ng China Media Group, idinaos ngayong araw, Marso 31, 2023, ang Ika-3 China-Europe Music Festival at Konsiyerto para sa Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Espanya.

 


Nagtanghal mula sa Beijing at Barcelona ang mga alagad ng sining ng Franz Schubert Filharmonia Barcelona at China Oriental Performing Arts Group, bilang paghanga sa pagkakaibigan at pag-uunawaan ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

 


Ipinadala naman nina Embahador Wu Haitao ng Tsina sa Espanya at Embahador Rafael Dezcallar ng Espanya sa Tsina, ang mga video message bilang pagbati sa pagdaraos ng naturang aktibidad.

 

Isasahimpapawid ang konsiyerto sa China Globa Television Network, mga TV at radio channel, at mobile platform ng CMG, at mga media ng Espanya at iba pang mga bansang Europeo.


Editor: Liu Kai