Tsina at Malaysia, palalakasin ang relasyon at kooperasyon

2023-04-01 17:06:43  CMG
Share with:

 

Nakipagtagpo kahapon, Marso 31, 2023, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia.

 

Sinabi ni Xi, na ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Malaysia, at ang susunod na taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Umaasa aniya siyang, kokoordinahan at isasakatuparan ng Tsina at Malaysia ang pag-unlad ng relasyon sa susunod na yugto at pagsulong ng kooperasyon sa iba’t ibang aspekto, para magbigay ng bagong lakas sa kasaganaan at kaunlaran ng dalawang bansa at rehiyong ito.

 

Ipinahayag naman ni Anwar ang pagpapahalaga sa pag-unlad ng relasyon ng Malaysia at Tsina.

 

Nakahanda aniya ang Malaysia, kasama ng Tsina, na palakasin ang relasyon sa iba’t ibang aspekto, lalung-lalo na sa kabuhayan, pamumuhunan, at kultura.


Editor: Liu Kai