50-taong relasyon ng Tsina at Espanya, hinahangaan ng mga lider ng dalawang bansa

2023-04-01 17:04:13  CMG
Share with:

 

Nakipagtagpo kahapon, Marso 31, 2023, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Pedro Sanchez ng Espanya.

 

Sinabi ni Xi, na nitong 50 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Espanya, iginigiit ng dalawang bansa ang paggagalangan, pagpapalitan, at pagtutulungang may mutuwal na pakinabang, at itinatag ang komprehensibo at estratehikong partnership.

 

Ani Xi, pinapasulong ng Tsina ang modernisasyon sa pamamagitan ng de-kalidad na pag-unlad, at ibibigay nito ang mas malawak na pamilihan at mas maraming kooperasyon sa iba’t ibang bansa ng daigdig na kinabibilangan ng Espanya.

 

Ipinahayag naman ni Sanchez ang kahandaan ng Espanya, kasama ng Tsina, na panatilihin ang pag-uugnayan, palakasin ang pagtitiwalaan, at palalimin ang pagtutulungan.

 

Bilang tagapangulong bansa ng Unyong Europeo (EU) sa ikalawang hati ng taong ito, pasusulungin ng Espanya ang diyalogo at kooperasyon ng EU at Tsina, dagdag niya.


Editor: Liu Kai