Manila – Sinimulan Martes, Abril 11, 2023 ng panig militar ng Pilipinas at Amerika ang 18-araw na Balikatan 2023, taunang magkasanib na pagsasanay-militar ng dalawang bansa.
Ayon sa panig militar ng Pilipinas, lampas sa 17,000 tauhang militar ang kasali sa kasalukuyang ensayong militar at pinakamalawak sa kasaysayan.
Kabilang dito, 5,400 tauhan ang mula sa panig Pilipino, at 12,200 naman ang mga Amerikano.
Kasali rin dito ang halos 100 tauhan mula sa Australya, at mayroon ding mga tagamasid-militar na ipapadala ng Hapon.
Gaganapin ang Balikatan 2023 sa mga rehiyong kinabibilangan ng hilagang Luzon, Palawan, Batanes, at Zambales.
Magpopokus ang pagsasanay sa seguridad na pandagat, amphibious operations, live-fire training, cyber defense, paglaban sa terorismo, humanitarian assistance, at paghahanda para sa disaster relief.
Idedeploy rin ng kapuwa panig ang kumpletong sistema ng mga sandata na kinabibilangan ng isang Patriot Missile Battery at High Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS).
Bilang tugon, nagtipun-tipon nang araw ring iyon ang ilandaang Pilipino sa labas ng Pasuguan ng Amerika sa Pilipinas at punong himpilan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP), bilang protesta sa nasabing pagsasanay-militar.
Hiniling nila sa tropang Amerikano na umalis sa Pilipinas.
Nagbabala si Anna Malindog-Uy, Pangalawang Presidente ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute, isang think tank na nakabase sa Manila, na ang Balikatan 2023 ay magsasapanganib sa seguridad at katatagan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), maging ng rehiyong Asya-Pasipiko, at ang Pilipinas ang magtatamo ng pinakamalaking pinsala mula rito.
Salin: Vera
Pulido: Rhio