Ayon sa ulat ng American media, lumitaw kamakailan sa ilang social media platform ang isang pangkat ng lihim na dokumentong pinaghihinalaang inangkin ng hukbong Amerikano.
Ipinakikita ng mga dokumentong ito na hindi lamang malalimang nakisangkot ang pamahalaang Amerikano sa sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine, kundi tuluy-tuloy na minamanmanan at tinitiktikan din nito ang maraming bansa na kinabibilangan ng Ukraine at mga kaalyansang gaya ng Timog Korea at Israel.
Kaugnay nito, inihayag Lunes, Abril 10, 2023 ni Dmitry Peskov, Press Secretary ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na hindi inaalis ang posibilidad na nagmamanman ang Amerika kay Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukraine, dahil nitong nakalipas na mahabang panahon, minamanmanan ng Amerika ang mga lider ng ibang bansa, lalong lalo na, lider ng mga bansang Europeo.
Salin: Vera
Pulido: Ramil