Inilabas Huwebes, Abril 13, 2023 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Tsina ang datos kung saan nakikitang noong unang kuwarter ng taong ito, lumaki ng 66.9% ang kabuuang pagluluwas ng tatlong berdeng produkto na kinabibilangan ng solar battery, lithium-ion battery, at electric vehicle.
Ang naturang tatlong uri ng produkto ay nakapagbigay-ambag ng 2% para sa kabuuang paglago ng pagluluwas noong unang kuwarter, at nagsilbing bagong lakas-panulak ng kalakalang panlabas.
Ayon sa pagtaya ng World Trade Organization, lalaki ng 1% lamang ang bolyum ng kalakalang pangkargada ng buong mundo sa kasalukuyang taon, at ito ay babagal ng humigit-kumulang 2.5% kumpara noong isang taon.
Nahaharap ang kalakalang panlabas ng Tsina sa maraming kahirapan na gaya ng proteksyonismo, heopulitika at iba pa.
Pero batay sa pangkalahatang datos noong unang kuwarter, umabot sa 9.89 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalang pangkargada ng Tsina, na lumaki ng 4.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ito ay nagpapakitang nakalusot ang kalakalang panlabas ng bansa sa iba’t ibang pagsubok, at nananatili itong matatag, tungo sa mas magandang direksyon, bagay na nakapaglatag ng pundasyon para sa pagpapatatag ng pagpapataas ng kalidad ng kalakalang panlabas sa buong taong.
Kasabay nito, tuluy-tuloy na pinapasulong ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas, at ito ay malaking sumusuporta sa kalakalang panlabas.
Sa Hunyo 2, 2023, pormal na magkakabisa sa Pilipinas ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at sa gayo’y, komprehensibong magkakabisa ang RCEP sa lahat ng 15 kasaping bansa. Ibayo pang palalawakin nito ang merkado, at pasusulungin ang pagpapalitang pangkalakalan.
Kasabay ng pagbuti sa kabuuan ng takbo ng kabuhayang Tsino, may pag-asang lalo pang gaganda ang kalakalang panlabas, at magbubunsod ito ng mas maraming benepisyo sa daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Ramil