Paglago ng kalakalang panlabas ng Tsina, napanumbalik

2023-04-14 15:36:18  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina Huwebes, Abril 13, 2023, umabot sa 9.89 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa noong unang kuwarter ng taong ito, at ito ay lumaki ng 4.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nananatili pa ring pinakamalaking trade partner ng Tsina na may 1.56 trilyong yuan na pag-aangkat at pagluluwas, at ito ay lumaki ng 16.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Samantala, tumaas ng 16.8% ang pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at lumago naman ng 7.3% ang kalakalan sa ibang 14 na kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

Ipinakikita rin ng datos na walang humpay na umuusbong ang mga bagong lakas-panulak ng kalakalang panlabas ng Tsina. Lumaki ng 66.9% ang kabuuang pagluluwas ng tatlong berdeng produkto na kinabibilangan ng solar battery, lithium-ion battery, at electric vehicle.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil