Tsina, umaasang susuportahan ng Alemanya ang mapayapang reunipikasyon nito

2023-04-15 17:12:23  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw, Abril 15, 2023, sa Beijing, kay Ministrong Panlabas Annalena Baerbock ng Alemanya, sinabi ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, igigiit ng Tsina ang nagsasariling patakarang panlabas, ipagpapatuloy ang estratehiya ng pagbubukas sa labas, at pangangalagaan ang awtoridad ng United Nations at pandaigdigang kaayusang nabuo pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

 

Ani Wang, nakahanda ang Tsina kasama ng Alemanya, na palakasin ang pagpapalitan at pag-uugnayan, at tiyakin ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Umaasa rin aniya ang Tsina, na susuportahan ng Alemanya ang mapayapang reunipikasyon ng Tsina.

 

Ipinalalagay naman ni Baerbock na mahalaga ang pagpapalakas ng diyalogo ng Alemanya at Tsina.

 

Kinumpirma rin niya ang pagsasagawa ng Alemanya ng patakarang Isang Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos