Ministrong Panlabas ng Tsina, nakipag-usap sa German counterpart sa Beijing

2023-04-14 16:36:03  CMG
Share with:

Magkasamang nangulo Biyernes, Abril 14, 2023 sina Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Annalena Baerbock, Ministrong Panlabas ng Alemanya sa Ika-6 na round ng estratehikong diyalogo ng dalawang bansa sa mga suliraning diplomatiko at panseguridad.

 

Kaugnay nito, isinalaysay ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na isinagawa ng kapuwa panig ang matapat at malalimang pag-uugnayang estratehiko hinggil sa relasyong Sino-Aleman at mga mainitang isyung panrehiyon at pandaigdig.

 

Dagdag niya, ang kasalukuyang taon ay taon ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Alemanya. Gagawing pagkakataon ng kapuwa panig ang kasalukuyang pagbisita ni Baerbock, para palakasin ang diyalogo’t pag-uugnayan, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership, at patingkarin ang katatagan at bagong lakas-panulak para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil