Ministro ng tanggulang bansa ng Tsina, kinatagpo ni Pangulong Putin

2023-04-17 16:08:09  CMG
Share with:

Moscow – Kinatagpo Linggo, Abril 16, 2023 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya si Li Shangfu, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina.

 

Sa pamamagitan ni Li, pinarating ni Putin ang matapat na pangungumusta at magandang pagbati kay Pangulong Xi Jinping.

 

Aniya, mabungang mabunga ang katatapos na pagdalaw ni Xi sa Rusya, at ginawa niya, kasama ni Xi ang plano sa pag-unlad ng relasyong Ruso-Sino sa makabagong panahon.

 

Kuwento ni Putin, nagkasundo sila ni Xi na lalo pang palakasin ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kultura, at edukasyon.

 

Dagdag ni Putin, mahalaga ang katuturan ng kooperasyong militar sa bilateral na relasyon ng Rusya at Tsina.

 

Umaasa aniya siyang mapapalalim pa ng dalawang hukbo ang kooperasyon sa magkasanib na pagsasanay, propesyonal na pagpapalitan at iba pang larangan, at walang humpay pang mapapalalim ang estratehikong pagtitiwalaan.

 

Saad naman ni Li, sa ilalim ng patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, patuloy ang paglakas ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership sa makabagong panahon.

 

Unti-unti rin aniyang tumitibay ang pagtitiwalaang militar at kitang-kita ang resulta ng mabungang mabungang kooperasyon.

 

Kasama ng panig Ruso, nakahanda ang panig Tsino na komprehensibong ipatupad ang mga komong palagay ng dalawang lider, ibayo pang pahigpitin ang estratehikong pag-uugnayan ng mga hukbo, palakasin ang multilateral na koordinasyon, at gawin ang bagong ambag para sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng rehiyon at daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio