Ginanap Miyerkules, Marso 22, 2023 sa Moscow State Institute of International Relations ang China-Russia Media Roundtable hinggil sa Modernisasyong Tsino at Makabagong Pagkakataon sa Daigdig na magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at Rossiya Segodnya International Media Group.
Layon ng pulong na talakayin ang hinggil sa landas tungo sa modernisasyon na angkop sa kalagayan ng sariling bansa.
Lumahok dito si Presidente Shen Haixiong ng CMG, mga namamahalang tauhan ng mga pangunahing media at kolehiyo ng Rusya, at mga opisyal ng pamahalaan, dalubhasa at iskolar ng dalawang bansa.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Shen na 10 taon na ang nakaraan, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Moscow State Institute of International Relations ang mahalagang ideya ng pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Nitong nakalipas na isang dekada, sunud-sunod din aniyang iminungkahi ni Xi ang Belt and Road Initiative, Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Civilization Initiative.
Ipinakikita ng “landas na Tsino tungo sa modernisasyon” na iniharap ni Xi ang katalinuhan, tapang at responsibilidad ng isang dakilang estadista, dagdag niya.
Kasama ng mga media ng mundo, patuloy at magkakapit-bisig aniyang magpupunyagi ang CMG, para pasaganahin ang pagpapalitan, palawakin ang tsanel ng kooperasyon, pahigpitin ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa, at pasulungin ang pag-unlad at progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio