Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina: iisang lamang ang Tsina sa buong daigdig

2023-04-18 16:57:22  CMG
Share with:

Tinututulan ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Group of 7 (G7) na idinaos sa Hapon ang pagtatangka ng Tsina na unilateral na baguhin ang status quo ng Taiwan Strait sa dahas, at kinumpirma sa pulong ang kahalagahan ng kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Abril 17, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina at hindi dapat ito panghimasukan ng anumang puwersang panlabas.

 


Aniya, dapat maliwanag na igiit ang prinsipyong isang-Tsina at tutulan ang separatistang aktibidad ng pagsasarili ng Taiwan para mapangalagaan ang katatagan ng kalagayan ng Taiwan Strait at kapayapaan at seguridad ng rehiyong ito.

 

Sinabi pa ni Wang na iisa lamang ang Tsina sa buong daigdig at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Ang pamahalaan ng People’s Republic of China ay tanging lehitimong pamahalaan na kumakatawan sa buong Tsina, ito ang nukleong nilalaman ng prinsipyong isang-Tsina, at ito rin ang susi ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil