Tinukoy Lunes, Abril 10, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang kasalukuyang combat readiness security patrol sa paligid ng Isla ng Taiwan at pagsasanay na tinaguriang “Pinagsamang Espada” o “Joint Sword” ay mariing babala laban sa sabwatan ng mapangwatak na puwersang nagnanais ng “pagsasarili ng Taiwan” at puwersang panlabas, at kanilang probokasyon.
Ito aniya ay kinakailangang aksyon upang ipagtanggol ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Saad ni Wang, matatandaang sinabi ng isa pang tagapagsalita ng MOFA, na isasagawa ng panig Tsino ang matatag at mabisang hakbangin sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa kung isasagawa ni Tsai Ing-wen ang “transit” na biyahe sa Amerika, bilang tugon sa pagsasabwatan ng dalawang panig.
Kaugnay ng pagkabahala sa posibilidad ng pagsidhi ng nasabing pagsasanay sa maigting na kalagayang panseguridad sa rehiyon, binigyang-diin ni Wang na ang usapin ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, at ang prinsipyong isang Tsina ay unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Op-ed: Dapat alalahanin at bigyang-galang ang ninuno upang hindi kalimutan ang pinagmulan
Biyahe ni Ma Ying-jeou sa mainland, nakatulong sa relasyong cross-Straits: opisyal
Ganting hakbangin laban sa Hudson Institute at Reagan library, ipinatalastas ng Tsina
Mga institusyong sumusuporta sa “pagsasarili ng Taiwan,” pinaparusahan ng Tsina
Sangsyon laban sa diehard na separatista ng “pagsasarili ng Taiwan,” pinag-ibayo