MOFA, buong tatag na tinutulan ang magkakasanib na pahayag ng G7 tungkol sa Tsina

2023-04-19 16:42:26  CMG
Share with:

Kaugnay ng magkakasanib na pahayag tungkol sa Tsina, na inalabas ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Group of 7 (G7), ipinahayag Abril 18, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, puno ito ng pagmamataas at buong tatag na tinututulan ng Tsina, at inilahad na ng Tsina ang solemnang representasyon sa Hapon, hosting country ng nasabing pulong.

 


Ani Wang, ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Ang prinsipyong isang-Tsina ay pundasyon ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait. Dapat maliwanag na tutulan at itigil ang anumang aksyon ng pagsasarili ng Taiwan para mapangalagaan ng totoo ang kapayapaan ng Taiwan Strait.

 

Ang mga suliranin ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), Xinjiang, at Tibet ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat ito panghimasukan ng anumang puwersang panlabas sa anumang katwiran at paraan, saad ni Wang.

 

Sinabi pa niyang sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang kalagayan ng East at South China Sea. Dapat aktuwal na igalang ng mga kinauukulang bansa ang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan, itigil ang paghahasik ng alitan at paglilikha ng komprontasyon.

 

Bilang isa sa mga bansa ng buong daigdig na mayroong pinamalaking kasiglahan at potensyal, palagiang nagsisikap ang Tsina para likhain ang matatag, pantay-pantay, maliwanag, at maaasahang kapaligiran ng negosyo para sa mga dayuhang mamuhunan, dagdag pa ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil