Kalagayan ng paghahanap-buhay sa Tsina, naging mabuti —— NBS

2023-04-19 16:44:04  CMG
Share with:

Ipinahayag sa preskon, Abril 18, 2023, ni Fu Linghui, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika (NBS), na naging mabuti sa kabuuan ang kalagayan ng paghahanap-buhay sa Tsina sa taong ito.



Tumaas ang labor force participation rate sa merkado ng trabaho, bumaba nang malaki ang unemployment rate noong isang buwan, at lumaki ang bilang ng total employment kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Aniya, ang survey rate ng kawalan ng trabaho sa lunsod noong Marso ay 5.3% at bumaba ito ng 0.3% na puntos mula noong Pebrero.

 

Sa hinaharap, patuloy na tinutulungan ng Tsina ang mga kabataan sa pagkakaroon ng trabaho, pinapabilis ang pag-upgrade ng industriya para ipagkaloob ang mas maraming de-kalidad na mga trabaho, dagdag ni Fu.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil