“Makalaglag-hininga,” pag-unlad ng Tsina - Gloria Macapagal-Arroyo

2023-04-20 16:05:43  CMG
Share with:

Sa kanyang naka-video na talumpati, Abril 19, 2023, sa kumperensyang pinamagatang “Understanding China - Greater Bay Area Dialogue,” ipinahayag ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na makalaglag-hininga ang natamong pag-unlad ng Tsina, sapul nang isagawa ng bansa ang reporma at pagbubukas sa labas.

 

Sa ilalim ng temang “Modernisasyong Tsino at Bagong Pagkakataon ng Buong Daigdig,” ang kumperensya ay idinaos sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong, dakong timog ng Tsina.

 


Lumahok dito ang mga pulitiko, iskolar, negosyante, diplomata ng iba’t-ibang bansa sa Tsina, mga kinatawan ng pandaigdigang organisasyon’t multinasyonal na kompanya, at mga personaheng Tsino mula sa iba’t-ibang sirkulo.

 

Malalim nilang tinalakay ang isyu ng “pagkaunawa” sa Tsina, “pagkaunawa” sa kahulugan ng modernisasyong Tsino, bagong pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina para sa buong mundo, at iba.

 

Ito ay magkasanib na itinaguyod ng China Institute for Innovation and Development Strategy, Chinese People's Institute of Foreign Affairs, panlalawigang pamahalaan ng Guangdong, at Prospective and Innovation Foundation ng Pransya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio