Ipinatawag kahapon, Abril 21, 2023, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pulong ng Sentral na Komisyon sa Pagpapalalim ng Komprehensibong Reporma.
Binigyang-diin ni Xi, na ang pagpapalalim ng komprehensibong reporma ay saligang lakas para sa modernisasyong Tsino, kaya dapat magkamit ng mga bagong bunga sa usaping ito.
Tinukoy niyang, dapat palakasin ang namumunong papel ng mga bahay-kalakal sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, para palalimin ang reporma sa sistema ng siyensiya at teknolohiya, at pataasin ang lebel ng hay-tek ng bansa.
Hiniling din niyang, palakasin at pabutihin ang pangangasiwa sa ekonomiyang ari ng estado, para mas mabuti itong maglingkod sa pagbuo ng bagong modelo ng pag-unlad, pagpapa-ibayo ng de-kalidad na pag-unlad, at pagpapasulong ng komong kayamanan.
Dagdag pa ni Xi, dapat igiit ang pagsuporta sa pribadong sektor, para maging mas maunlad at malakas ang mga pribadong bahay-kalakal. Dapat pabutihin ang kapaligirang pangkaunlaran ng pribadong sektor, alisin ang mga sistematikong hadlang na makaapekto sa pantay-pantay na paglahok ng mga pribadong bahay-kalakal sa kompetisyon ng pamilihan, at ilabas ang mga preperensyal na patakarang kailangang-kailangan ng mga pribadong bahay-kalakal.
Editor: Liu Kai