Pagpapalakas ng pakikipagsanggunian sa Pilipinas, inaasahan ng Tsina

2023-04-22 07:44:07  CMG
Share with:

Ipinahayag Abril 21, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Enrique Manalo, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, bibiyahe sa Pilipinas si Ministrong Panlabas Qin Gang ng Tsina mula Abril 21 hanggang 23.

 

Sa kanyang pananatili sa Pilipinas, kauusapin ni Qin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at iba pang politikong Pilipino. Samantala, magtatagpo rin sina Qin at Manalo.

 

Sinabi ni Wang na sa pamamagitan ng biyaheng ito, inaasahan ng panig Tsino na mapapalakas ang pagsasanggunian, mapapalalim ang pagtitiwalaan, maayos na mahahawakan ang alitan, at mapapasulong ang kooperasyong Sino-Pilipino upang magkasamang mapangalagaan ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng kapwa bansa.


Editor: Li Feng