Ika-2 yugto ng Canton Fair, binuksan sa Guangzhou

2023-04-24 15:44:05  CMG
Share with:

Makaraang matagumpay na idaos ang unang yugto ng China Import and Export Fair, na kilala rin bilang Canton Fair, ginaganap sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong, sa gawing timog ng Tsina, ang ika-2 yugto ng perya mula Abril 23 hanggang 27.

 

Tampok dito ang mga pang-araw-araw na kagamitan, dekorasyong pambahay, at iba pa.

 

Mahigit 24,000 ang kabuuang bilang ng mga offline booth sa 18 sona ng eksibisyon, samantalang itinatanghal din sa online platform ang lampas sa 1.35 milyong produkto.

 

Pinagtitipun-tipon ng perya ang mga mamimili mula sa mahigit 220 bansa’t rehiyon na kinabibilangan ng Europa, Estados Unidos at mga bagong sibol na pamilihan.

 

Ito rin ang may pinakamalaking saklaw, sa kapuwa sona ng eksibisyon at bilang ng mga eksibitor.

 

At sa kauna-unahang pagkakataon, itinayo ng ika-2 yugto ng Canton Fair ang isang sona ng pag-aangkat ng mga housing product mula sa halos 130 kompanya mula sa 26 na bansa’t rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio