US$1.5 trilyon, kabuuang halaga ng pagluluwas sa Canton Fair nitong nagdaang 67 taon

2023-04-17 16:04:21  CMG
Share with:

Ginaganap ngayon sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong ng Tsina, ang Ika-133 China Import and Export Fair, na kilala rin bilang Canton Fair.

 

Tampok ng nasabing perya ang tuluy-tuloy na pag-optimisa ng estruktura ng mga kalahok na kompanya at ibayo pang pagpapataas ng kalidad ng mga itinatanghal na paninda.

 

Kaugnay nito, mga 35,000 kompanya ang kasali rito – pinakamalaking bilang ng mga tagapagprodyus na bahay-kalakal at pribadong kompanya sa kasaysayan ng perya.

 

Maliban diyan, halos 800,000 bagong produkto ang itinatanghal.

 

Inihayag ni Zhong Liang, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Canton Fair, na ang perya ay nagsisilbing mahalagang plataporma ng kalakalang panlabas at mahalagang bintana sa pagbubukas ng Tsina sa labas.

 

Aniya pa, ipinakikita ng komprehensibong pagpapanumbalik ng offline fair ang patuloy at aktibong pagsali ng Tsina sa international division of labour, at naghahatid ng benepisyo sa daigdig habang pinapaunlad ang sarili.

 

Nitong nakalipas na 67 taon, sapul nang ilunsad ang Canton Fair, halos US$1.5 trilyon ang kabuuang halaga ng transaksyon ng pagluluwas na nakamit ng perya, at halos 10 milyong katao ang kabuuang bilang ng mga mamimiling dayuhan na sumali sa mga offline at online fair, bagay na gumanap ng katangi-tanging papel sa pagpapasulong ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at iba’t-ibang bansa, paliwanag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio