Magkasanib na ensayo ng mga hukbong pandagat ng Tsina’t Singapore, idaraos

2023-04-24 16:19:08  CMG
Share with:

Inanunsyo Abril 24, 2023, ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na idaraos ng mga hukbong pandagat ng Tsina’t Singapore ang magkasanib na ensayong militar, ayon sa narating na komong palagay.

 

Bagamat hindi sinabi ng naturang ministri ang eksaktong petsa ng pagsasanay, inihayag nitong mananatili sa Singapore ang mga puwersa ng People’s Liberation Army (PLA) Navy mula huling dako ng Abril hanggang unang dako ng Mayo 2023.

 

Sa naturang panahon, lalahok din ang delegasyon ng PLA Navy sa mga simposyum hinggil sa internasyonal na seguridad na pandagat sa International Maritime Defence Exhibition and Conference (IMDEX) Asia, pangunahing kaganapan para sa naval at maritime defense sa Asya, na idaraos mula Mayo 3 hanggang 5 sa Singapore, dagdag ng ministri.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio