Pangulong Tsino, tumanggap ng mga kredensyal mula sa 70 bagong embahador sa Tsina

2023-04-25 15:57:56  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing – Tinanggap Lunes, Abril 24, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga kredensyal na iniharap ng 70 bagong hinirang embahador sa Tsina.

 

Kabilang dito ay si Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina.

 


Sa kanyang talumpati pagkaraan ng seremonya ng pagharap ng kredensyal, pinarating ni Xi ang kanyang magandang pagbati sa mga bansa, lider ng mga organisasyon at mga mamamayan na kinakatawan ng mga embahador.

 

Tinukoy niyang nakahanda ang panig Tsino na palalimin ang pagkakaibigan sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pasulungin ang walang patid na pag-unlad ng bilateral na relasyon, batay sa pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.

 

Umaasa aniya siyang komprehensibo’t malalimang mauunawaan ng mga kinatawang diplomatiko ang hinggil sa Tsina, at magiging kinatawan ng pagkakaibigan at tulay ng kooperasyon.

 

Ipagkakaloob ng pamahalaang Tsino ang suporta at ginhawa para sa pagpapatupad ng mga kinatawan ng kani-kanilang tungkulin, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil