Black Sea grain deal, tinalakay ng puno ng UN at ministrong panlabas ng Rusya: pagpapalaya sa lahat ng bihag, isinusulong ng Ukraine at Rusya

2023-04-26 15:52:04  CMG
Share with:

Punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York – Sa pakikipagtagpo, Lunes, Abril 24, 2023 ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN kay Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, inihayag niya ang pagkabahala sa pagpapatupad ng panig Ruso sa memorandum of understanding hinggil sa pagluluwas ng mga produktong agrikultural at pataba.

 

Hinggil dito, isinalaysay ni Guterres ang ginagawang pagsisikap ng UN, at ipinagdiinan ang patuloy na pagpupunyagi ng UN para masolusyunan ang mga hindi pa nalulutas na problema.

 

Samantala, sinabi nang araw ring iyon ni Kyrylo Budanov, Puno ng Main Intelligence Directorate ng Ministri ng Depensa ng Ukraine, na isinasagawa ng Ukraine at Rusya ang talastasan hinggil sa "all-for-all" prisoner exchange.

 

Aniya, posibleng magkaroon ng kasunduan ang magkabilang panig hinggil dito.

 

Sapul nang sumiklab ang sagupaan, pinalaya ng panig Ruso ang 2,200 tauhang Ukrainian, dagdag ni Budanov.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio