Nakita Miyerkules, Abril 24, 2023 ng mga residente sa Okinawa, Hapon na nagtipun-tipon sa maraming puwerto at kalye sa lokalidad ang mga miyembro at sasakyang de motor ng self-defense force.
Nang araw ring iyon, isinagawa ng Okinawa ang pagsasanay sa pagtanggap ng J-Alert.
Binatikos ng lokal na media ang walang tigil na pagpapalawak ng pamahalaang Hapones ng mga sandata ay hindi lamang salungat sa pacifist constitution, kundi nagbunsod din ng banta sa seguridad at katatagan ng rehiyon.
Upang ipahayag ang kahilingan sa kapayapaan, isinumite Lunes at Martes ng delegasyon ng mga mambabatas ng Okinawa ang resolusyon sa Ministri ng Depensa, Gabinete at Ministring Panlabas.
Pinagdudahan ng nasabing resolusyon ang tatlong dokumentong panseguridad na pinagtibay ng bansa noong katapusan ng nagdaang taon, at hiniling sa pamahalaan na sundin ang iba’t ibang simulaing tiniyak sa apat na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon, pasulungin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at aktibong isulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng diyalogo at diplomatikong paraan.
Pananawagan nilang pigilan ang muling pagiging pook ng digmaan ng Okinawa.
Ipinakikita ng naturang resolusyon ang kawalang kasiyahan at pagkabalisa ng mga mamamayan ng Okinawa sa ekspansyong militar ng pamahalaan, at kani-kanilang kahilingan sa pagkakaibigan sa Tsina at kapayapaan ng rehiyon.
Inilabas kamakailan ng pahayagang Ryukyu News ng Okinawa ang artikulong nagsasabing ang Tsina ay pinakamalaking ekonomikong katuwang ng Hapon, at hindi maaaring balewalain ang isa’t isa. Dapat buong sikap na mapahupa ng dalawang bansa ang tensyon, at buuin ang kapayapaan sa abot ng makakaya.
Dapat taimtim na pakinggan ng pamahalaang Hapones ang lehitimong kahilingan ng mga mamamayan ng Okinawa, at pag-isipan ang hinggil sa paanong aalisin ang mga hadlang sa relasyong Sino-Hapones.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Photo source: Xinhua