Umaasa ang Hapon na masisimulan sa Hulyo 2023 ang pagtatapon ng radioactive waste water ng Fukushima nuclear power plant sa dagat.
Ayon sa plano ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO), maitatayo ang tsanel at ibang pasilidad na may kinalaman sa pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig bago katapusan ng Hunyo, at dahil dito, mas malaki ang posibilidad na masisimulan ang operasyon sa Hulyo.
Samantala, tinatangka ng pamahalaang Hapones at TEPCO na simulan ang pagtatapon ngayong Tag-init, pero tuluy-tuloy ang pagtutol ng mga mangingisda at ibang panig sa loob ng bansa.
Ang planong ito ay nakatawag ng malubhang pagkabahala mula sa mga kapitbansa na kinabibilangan ng Tsina at Timog Korea.
Salin: Vera
Pulido: Rhio