Pelikulang Leonor Will Never Die, pinalabas sa sinehan

2023-04-27 18:06:35  CMG
Share with:

MOMA Broadway Cinematheque


Abril 26, 2023, Miyerkules, pinalabas sa MOMA Broadway Cinematheque, sinehan sa distrito ng Dongcheng, Lunsod Beijing ang pelikulang Leonor Will Never Die sa direksyon ni Martika Ramirez Escobar bilang kanyang directorial debut.

 

Ito ang entry ng Pilipinas para sa ginaganap na pestibal ng ika-13 Beijing International Film Festival (BJIFF) at dinaluhan ito ng mga manonood na Tsino at dayuhan sa unang araw ng pagpapalabas.

 

Ang naturang pelikula ay tungkol kay Leonora Reyes na dating pangunahing manlalaro sa industriya ng pelikulang Pilipino pagkatapos nyang lumikha ng isang serye ng mga matagumpay na pelikulang aksyon. Ngunit ang kanyang sambahayan, na binubuo ni Leonor at kanyang anak na si Rudie, ay nahihirapang magbayad ng mga bayarin.

 

Nakadisplay sa LCD monitor ang movie poster ng Leonor Will Never Die


Nang nabasa niya ang isang patalastas na naghahanap ng mga screenplay, sinimulan ni Leonor ang pag-iisip sa isang hindi natapos na script tungkol sa paghahanap ng kabataan o the quest of young, marangal na Ronwaldo, na pinilit na ipaghiganti ang pagpatay sa kanyang kapatid sa kamay ng mga masasamang-loob.

 

Habang ang kanyang imahinasyon ay nagbibigay ng ilang pagtakas mula sa katotohanan, ang isang aksidente na kinasasangkutan ng isang telebisyon ay nagpatumba at nagpa-coma sa kanya.

 

Inihatid nito si Leonor sa hindi kumpletong pelikula kung saan maaari niyang isagawa ang kanyang mga wildest dream at tuklasin ang perpektong pagtatapos ng kanyang kuwento. Samantala, hinahangad ni Rudie na tuklasin kung saan nagpunta ang kanyang ina.


Tumitingin ng listahan at iskedyul ng mga ipapalabas na pelikula ng Ika-13 BJIFF


Pinagbibidahan ito nina Sheila Francisco bilang Leonor Reyes, Bong Cabrera bilang Rudie Reyes, Rocky Salumbides bilang Ronwaldo, at Anthony Falcon bilang Dead Ronwaldo.

 

Sa kasalukuyang taon, ito ay naging nominado bilang Best International Film sa Independent Spirit Awards. Para naman sa taong 2022, umani ito ng iba’t ibang parangal gaya ng Comcast Xfinity Narrative Award ng CAAM Fest, Special Jury Mention – Narrative Feature ng Los Angeles Asian Pacific Film Festival, Youngblood Award ng Razor Reel Fantastic Film Festival, Amplify Voices ng Toronto International Film Festival, at World Cinema Dramatic Competition Special Jury Prize: Innovative Spirit ng Sundance Film Festival.

 

Inaasahan na ang pagpaplabas ng pelikulang Leonor Will Never Die ay magbibigay-aliw, inspirasyon at kasiyahan sa mga manonood, at mag-uuwi ng parangal mula sa pestibal ng ika-13 BJIFF.

 

Ulat/Larawan: Ramil Santos