Barko de giyera ng PLA, naglilikas ng mga Tsino mula sa nagsasagupaang Sudan

2023-04-28 16:23:09  CMG
Share with:

Nailikas Huwebes, Abril 27, 2023 ng dalawang barko de giyera ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina ang 678 katao mula sa nagsasagupaang Sudan, at maayos silang nakarating sa Jeddah Islamic Port, Saudi Arabia.

 


Kabilang sa mga nailikas ay 668 Tsino at 10 iba pa mula sa ibang bansa.

 


Sa kasalukuyan, isinasagawa pa rin ng mga barko de giyera ang paglilikas sa ika-2 pangkat ng mga mamamayan mula sa Sudan.

 

Ito na ang ika-3 misyon ng paglilikas sa ibayong dagat ng hukbong pandagat ng Tsina, kasunod ng operasyon sa Libya noong 2011 at Yemen noong 2015.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio