Iskolar ng Australya: Patuloy na ilalantad ang mga kasinungalingan tungkol sa Xinjiang

2023-04-28 17:39:00  CMG
Share with:


Si Maureen Huebel ay isang independienteng iskolar sa Australya. Sa kanyang Twitter account, madalas niyang inilabas at ini-retweet ang mga nilalaman tungkol sa maligayang pamumuhay ng mga Uyghur sa Xinjiang, Tsina, at pinagdudahan ang mga di-umanong akusasyon sa karapatang pantao sa lugar na ito. Dahil dito, kinuha niya ang maraming pag-insulto sa Twitter, at suspendido minsan ang kanyang account na walang batayang pinaghihinalaang “fake account.”

 

Kaugnay nito, sa panayam kamakailan ng Chinese media, sinabi ni Huebel, na siya ay tunay na tao, sa halip na “bot.”

 


Dagdag niya, ang di-makatwiran at di-makatarungang pakikitungo sa kanya ay dahil gusto niyang malaman ang mga katotohanan sa Xinjiang. Sinabi ni Huebel, na ini-imbento ng ilang tao ang mga kasinungalingan tungkol sa Xinjiang, at natatakot nilang ilantad ang mga ito dahil sa kanyang pag-aaral sa mga tunay na kalagayan sa lugar na ito, at pagpapalaganap ng mga impormasyong iba sa naturang mga kasinungalingan.


Editor: Liu Kai