Abril 28, 2023, Biyernes, distrito ng Huairou, Lunsod Beijing, sa kabila ng biglaang malakas na ulan at granizo sa sa hilagang Beijing, lakas-loob na lumakad sa red carpet ng seremonya ng pagtatapos ang mga bituin sa pagsasara ng ika-13 Beijing International Film Festival (BJIFF).
Mahigit 100 na sikat na personalidad ang dumalo, karamihan sa kanila ay mga cast at crew mula sa humigit-kumulang 20 tampok na pelikula. Ang mga pelikula ay mula sa mga kalahok para sa nangungunang karangalan ng Tiantan Award, hanggang sa ilang paparating na blockbuster. Ibinahagi nila ang kanilang hilig sa cinema at inihayag ang ilang mga detalye sa likod ng mga eksena.
Aktress Wu Yanshu ng pelikulang Song of Spring
Wu Yanshu, isang 85-taong-gulang beterano na nanalo ng prestihiyosong Tiantan Award noong nakaraang taon para sa pinakamahusay na aktres para sa kanyang pagganap sa nakakapanabik na pelikulang Song of Spring.
Inilarawan niya na ang taunang kaganapan bilang isang "lucky place" na mayroong espesyal na lugar sa kanyang puso. Ipinahayag niya ang kanyang pagnanais na magpatuloy sa pag-arte hangga't kailangan siya ng madla.
Nagbibigay ng pahayag ang komedianteng Aktor Ge You
Si Ge You naman, isa sa mga pinakasikat na komedianteng aktor sa Tsina para sa mga comedy hits gaya ng The Dream Factory ay nagbahagi rin ng kanyang dekadang pag-ibig sa pelikula.
Sinabi niya na nakahanda siyang matiyagang maghintay para sa magagandang script at mga direktor.
Ang naturang pestibal ng BJIFF ay umakit ng halos 1,500 pelikula mula sa 93 bansa at rehiyon upang sumali sa kompetisyon para sa Tiantan Award. Ito rin ay naging isang karnabal para sa mga tagahanga ng pelikula, na may higit sa 180 mga pelikula na ipinalabas sa 27 mga sinehan.
Singaporean Direktor Anthony Chen at Aktres Yeo Yann Yann ng Pelikulang Ilo Ilo
Ayon kay Anthony Chen, Singaporean film direktor ng pelikulang Ilo Ilo, ang pestibal ay palaging nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng pagiging bago.
Nagpahayag siya ng pag-asa na ang pagdiriwang ay patuloy na palalawakin ang internasyonal na presensya nito at maghihikayat pa ng mas malawak na cinematic exchanges sa pagitan ng Tsino at dayuhang filmmakers.
Itinuring na isang incubator para sa umuusbong na talento, ang Forward Future Section ngayong taon ay nakakuha ng halos 500 pelikula mula sa higit sa 60 bansa at rehiyon upang makipagkumpitensya para sa pitong mga parangal nito.
Hong Kong Aktres Kara Wai
Sinabi ng Hong Kong aktress na si Kara Wai, nakikipagtulungan siya sa mga batang direktor sa pamamagitan ng pag-arte sa isa o dalawa sa kanilang mga pelikula bawat taon. Nagpahayag din siya ng pananabik sa pagkakaroon ng maraming bagong batang direktor sa pagdiriwang.
Ang pangwakas na pelikula para sa pagdiriwang ng BJIFF ay Born to Fly, na nagsasabi sa kuwento ng isang pangkat ng mga test pilot mula sa People's Liberation Army Air Force.
Nakakuha ito ng mahigit 75 milyong yuan renminbi sa pagbubukas sa loob ng bansa at nanguna sa mga box office chart ng Tsina.
Sinabi ng direktor na si Liu Xiaoshi na lumakad sa red carpet kasama ang cast, umaasa siyang magbibigay pugay ang pelikula sa mga piloto na nagbubuwis ng kanilang buhay upang magpalipad ng mga test mission para sa pagpapaunlad at pagpapahusay ng mga pinakamodernong fighter jet ng Tsina.
Artikulo/Larawan: Ramil Santos