Pagtatapos ng ika-13 BJIFF, nanalo ng Tiantan Awards inanunsyo

2023-04-30 18:44:01  CMG
Share with:

Seremonya ng pagtatapos ng ika-13 BJIFF na ginanap sa Yanqi Lake International Convention & Exhibition Center, Distrito Huairou, Lunsod Beijing

 

Abril 29, 2023, Sabado, sa Yanqi Lake International Convention & Exhibition Center, Distrito Huairou, Lunsod Beijing, mahigit 100 sikat na personalidad mula sa Tsina at ibang bansa ang dumalo sa pagtatapos ng ika-13 Beijing International Film Festival (BJIFF).

 

Sampung premyo ng prestihiyosong Tiantan Awards ang inihayag sa seremonya ng pagtatapos.

 

Ang pelikulang The Punishment mula sa Argentina-Chile coproduction ang nanalo ng Best Feature Film award. Inilalarawan ng thriller movie ang aligagang paghahanap ng mag-asawa sa nawawalang nitong pitong taong gulang na anak, matapos naiwan mag-isa sa tabi ng kalsada bilang parusa.


Movie poster ng Argentina-Chile coproduction The Punishment


Ang Mexican direktor na si Lila Avilés ang nanalo para sa Best Director para sa pelikulang Totem, Tsinong aktor na si Xin Baiqing ang nanalo ng Best Actor para sa domestic movie na The Shadowless Tower. Napanalunan naman nina Antonia Zegers at Line Renaud ang Best Actress award para sa pelikulang The Punishment at Driving Madeleine, kung saan ang Best Actress award ay naibigay sa dalawang aktres nang sabay-sabay sa BJIFF.

 

Nanalo si Lila Avilés ng Tiantan Award para sa Best Director para sa pelikulang Totem

 

Naibulsa ng Tsinong aktor na si Tian Zhuangzhuang ang Best Supporting Actor habang umani naman ang Mehikanong aktress na si Montserrat Marañón ng Best Supporting Actress.

 

Nanalo sina Zhang Lyu, Thomas Becka, Piao Songri, at ang pelikulang Tsino na "The Shadowless Tower" ng Best Screenplay, Best Music, Best Cinematography, at Best Artistic Contribution, ayon sa pagkakabanggit.


Nanalo si Piao Songri ng Tiantan Award para sa Best Cinematography para sa pelikulang The Shadowless Tower


Ang naturang pestibal ng BJIFF ay umakit ng halos 1,500 pelikula mula sa 93 bansa at rehiyon upang sumali sa kompetisyon para sa Tiantan Award. Ito rin ay naging isang karnabal para sa mga tagahanga ng pelikula, na may higit sa 180 mga pelikula na ipinalabas sa 27 mga sinehan.

 

Ilang Tsino at kilalang dayuhang filmmakers ang naging hurado, kabilang ang kilala sa buong mundo na Tsinong direktor Zhang Yimou, Presidente ng Mar del Plata International Film Festival Fernando E. Juan Lima, Hong Kong direktor Stanley Kwan, Israeli direktor Nadav Lapid, Thai direktor Pimpaka Towira, Tsinong aktor na si Zhang Songwen, at Tsinong aktres na si Zhou Dongyu.


Mga miyembro ng hurado ng Tiantan Awards na dumalo sa seremonya ng pagsasara ng ika-13 BJIFF, sa pangunguna ng Tsinong direktor na si Zhang Yimou (gitna)

 

Mula sa pagranas ng panahon ng pagrarasyon sa paggawa ng pelikula sa mga studio, pagsaksi sa pagtatatag ng mga cinema chain sa Tsina, hanggang sa paglaki sa isa sa mga pinaka-maimpluwensyang direktor ng Tsina na nagsimula sa panahon ng mga Chinese blockbuster, si Zhang Yimou ay nagpapanatili ng matalim na pananaw sa merkado sa halos apat na dekada. Sa pagtatapos ng seremonya, ang master direktor ay ginawaran ng Lifetime Achievement award.


Nakuha ni Zhang Yimou (kaliwa) ang Lifetime Achievement award sa pagtatapos ng pestibal ng ika-13 BJIFF


Isang serye ng mga aktibidad ang ginanap sa walong araw na pagdiriwang, kabilang dito ang mga may temang porum, mga film workshop at mga masterclass, film carnival, project pitch, at ang Beijing Film Panorama screening ng higit sa 180 domestic at dayuhang pelikula.

 

Bilang isang makabuluhang kaganapan upang isulong ang mga pagpapalitan ng kultura sa film circle, layunin ng BJIFF na palakasin ang kumpiyansa ng industriya at ang merkado ng pelikula, hanapin ang direksyon sa hinaharap para sa industriya ng pelikulang Tsino, at magbigay ng inspirasyon sa mga gumagawa ng pelikula sa buong mundo. Ang kaganapan ay nakatanggap ng malawakang atensyon at media exposure.

 

Artikulo: Ramil Santos
Pasasalamat: Beijing International Film Festival 2023 organizers